Dating PBB Teen, Huli Nang Manghamon Ng Away Dahil Sa Kalasingan. Nagwala Pa Sa Presinto

Kapag tayo ay dinadatnan ng mga problema, madalas nating ginagawa ay uminom, nagbabakasakaling makalimutan ang problema ng panandalian. Kapag tayo naman ay may ipinagdiriwang, hindi mawawala ang alak sa ating mesa.

Madalas, hindi natin natatandaan ang ating mga ginagawa kapag tayo ay lasing. Hindi rin natin alam na may ginagawa na pala tayong katarantaduhan. Siguro ngang alak talaga ang makakapagpalabas ng ating tunay ng ating pagkatao. 

Kaya naman, sa lahat ng mga komersyal ng alak, palagi nilang pinaaalalahanan ang kanilang mga mamimili na uminom ng tama, sapat at iyong makakaya lamang dahil hindi maganda ang epekto ng sobrang daming alak na nainom. Marami nang mga taong naaresto dahil sa mga karumal-dumal nilang nagawa na resulta ng kanilang labis na pag-inom ng alak. 

Nadagdag na naman sa listahan ng mga lasing na naaresto ng mga pulis ng siyudad ng Makati ay ang dating housemate ng Pinoy Big Brother na si Kenzo Gutierrez.

Kumalat sa social media ang video na ibinahagi ni Mavz Gonzales, isang journalist sa GMA, kung saan pinapakita nito ang nagwawala at halatang lasing na si Kenzo Gutierrez.

Makikita sa video kung saan dinuduro duro ng lasing na si Kenzo ang isang pulis na nakaupo sa isang desk. Makikita rin sa video na nakapusas ang dalawang kamay ni Kenzo. Nakahubad rin ang dating PBB housemate habang pinapakalma siya ng isang pulis.

Pasigaw pang nagmumura si Kenzo sa loob ng istasyon. Maririnig rin sa video na nagbanggit ng mga pangalan si Kenzo at sinabing ninong niya raw si Sonny Belmonte. Pinipilit niya rin sa loob ng istasyon na binabastos siya ng kaniyang pinagiinitang pulis.