Isang Ama Nilasing Ang Pasaway Na Anak Para Turuan Ng Leksyon At Ito Ang Nangyari

Karamihan sa atin dumaan sa estado ng buhay kung saan tayo isang masayang kabataan. Wala tayong iniitindi, madalas ang ating gimik kasama ang barkada, at walang pakialam sa ating magulang. Hindi na rin siguro bago sa ating kaalaman na karamiha ng kabataan ngayon ay marunong nang uminom ng alak sa murang edad. 

Hindi na alam ng mga magulang kung papaano sila didispilinahin o sasawayin sa kanilang hindi magandang bisyo. Pero para sa isang tatay na Japanese na ito, iba ang kaniyang paraan ng pagdidisiplina.

Binahagi ni Reiko, isang babaeng hapon, ang kaniyang karanasan kung paano siya dinisiplina at pinaalalahanan ng kaniyang tatay sa kaniyang pag-iinom.

Ayon kay Reiko, mahilig raw siya noon gumala kasama ang kaniyang mga barkada noong bata pa lamang siya. Madalas raw silang gumawa ng kalokohan noon. Dumating rin sa puntong natuto siyang uminom na siya namang ikinabahala ng kaniyang mga magulang ngunit wala rin silang magawa. 

Isang araw raw, nasorpresa raw siya nang yayain siya ng kaniyang tatay na uminom sa kahit saang lugar niya gusto. Bagamaít nagulat dahil makakasama niya ang kaniyang tatay sa pag-inom, pumayag na lamang siya para naman maranasan niya.

Nang makalabas na sila, sinabihan siya ng kaniyang tatay na maaari siyang uminom hanggang hindi na niya kaya. Sinigurado niya ring makakauwi sila ng ligtas. Sa utak ni Reiko, naisip niyang baka raw magalit ang kaniyang ina kung siyaíy umuwi ng lasing ngunit dahil kasama niya ang kaniyang tatay, malakas ang kaniyang loob.
Una silang pumunta sa isang restaurant at inakala ng mga tao na siya ang bagong girlfriend ng kaniyang tatay. Ganito rin ang naging eksena ng pumunta sila sa isang night club kung saan naka ilang tagay lang siya.

Sunod nilang pinuntahan ang isang sushi bar kung saan mas inengganyo pa siya ng kaniyang tatay na kumain at uminom. Sa sunod nilang pinuntahan, wala na raw siyang maalala. Hindi na niya maalala ang kaniyang mga ininom at kung ano ang pinagusapan nila ng kaniyang tatay.